MAHIRAP magbalanse ng oras kung ikaw ay hirap din i-manage ang iyong stress, lalo na kung ikaw ay malayo sa pamilya.
Karamihan, naghahanap ng paraan makapagdestress lalo na kung ikaw naman ay tutok sa trabaho.
Maaari rin naman matuto ng mga bagong kaalaman, makipagsocialize, at the same time learn about the culture ng isang lugar kung saan ka nakabase.
Kahit sa pag-aaplay ng trabaho, hindi biro rin ang stress na naidudulot sa iyo nito. Mula sa pagharap sa recruiter or sa employer, abot-abot na “what if” or “papaano ko sasagutin ito” na mga katanungan sa isip mo.
Sa mga magtratrabaho or mag-apply ng trabaho, eto sana makatulong na tip sa inyo:
- Ikundisyon ang utak sa pagpunta sa aaplayang employment agency or pagtratabahuan lokal man o abroad – lalo na kung ikaw ay first timer.
- Expect the unexpected – oras na aantayin mo para sa pila, mahabang byahe, mahigpit na recruiter, mainit na lugar.
- Dapat handa ang mga dukumento na hinihingi sa aplikasyon, or sa airport travel mo. Hindi pwedeng mangatwiran na kulang ang iyong dala at baka pwede palusutin.
- Paghandaan ang budget – pamasahe, pagkain, at kung anu-ano pa.
- Ihanda rin ang iyong sarili sa pag-apply – rejections may come pero dapat itake note mo yan, hindi yung sasama ang iyong loob. Ang rejections ay hindi dahil sa hindi ka qualified talaga, nagkataon na hindi ka match sa requriement ng employer.
- Galing probinsya pero babyahe papunta sa airport or sa agency, dapat maglaan ng oras. Kung alam mo na ang oras ng meeting mo or byahe mo, mas maige na matulog ka nang maaga para ma-manage mo physical stress.
- Huwag magpapadala sa yaya ng kaibigan sa pag-aaplay lalo na kung napipilitan ka lang. Nakakastress din pag nalaman mo na sayang ang oras mo kasi hindi pala ikaw pwede sa trabahong iyon.
Hopefully makatulong itong mga list na ito. Pero syempre marami pa rin tayong paranan para madestress – up to you ano ang applicable. Hanggang sa muli!