TALAGA namang feel na feel ko kagabi ang excitement ng PH Teumes and Aghases!
Niyanig ng Treasure at GOT7 members na sina BamBam at Jackson ang Mall of Asia Arena sa ginanap na KPop Masterz in Manila 2020 kagabi.
Halos hindi ko na nga marinig ang kanta nang lumabas ang Treasure dahil sa sigaw ng fans! Hindi ko naman sila masisisi dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagperform overseas ang mga bagets mula nung nag-debut sila noong 2020.
Aliw na aliw ang fans kina Hyunsuk at Junghwan na naging paborito ang Zest-o Mango Juice at talagang ipinost pa sa kanilang WeVerse account. Kinantahan rin ng fans ng happy birthday si Jaehyuk na nagbirthday kamakailan. Nagkaroon ng segment kung saan naglaro ang Treasure para magkaroon ng picture time with fans. Huling pinerform ng grupo ang rock version ng kanilang hit song na “Darari” na talaga namang sikat na sikat sa Tiktok habang naghahagis sa audience ng mga bola na may autograph ng members.
Todo hiyaw pa rin ang fans nang nagsimula nang magperform si BamBam. Puro halakhak ang narinig mula sa fans dahil paulit-ulit na naririnig nula sa GOT7 member ang mga katagang “Shot, puno!” na naging dahilan kung bakit din ito biglang nagtrend sa Twitter. Kinilig naman ang lahat nang bigla nitong kantahin ang “Ngiti” na kanyang naging promise sa PH Aghases sa last concert ng GOT7 dito sa Manila.
Kung kailan akala ng PH fans ay todo-todo na ang performance ni Bam, bigla naman itong tinawag onstage ang kanyang kaibigan at labelmate na si Sandara Park! Hindi inaakala ng mga fans na pati si Dara ay magpeperform dahil ang akala ng mga ito ay nanonood lamang ang KPop star upang suportahan ang kaibigan.
At syempre ang perfect way to end the night ay ang performances mula kay Jackson Wang. Talaga namang nag-init ang audience nang iperform nito ang bago niyang kanya na “Cruel”. Puro tili at sana all naman ang narinig ko nang ipakita nito ang pagiging gentleman sa host. Imbes ba naman na gamitin ang towel na inabot sa kanya bilang pamunas ng pawis ay inilagay niya ito sa hita ng host na nakasuot ng palda upang matakpan ang legs nito.
Talaga namang masaya at nakakagasgas lalamunan ang aking first ever KPop concert experience. Medyo may tampo nga lang ako nang konti sa organizers. Prinomote kasi nila ang event bilang concert pero tumagal ng 15-20 minutes ang mga ment in between performances. Nanghihinayang tuloy ako sa fan projects na ginawa ng mga fans na hindi naman nagawa dahil wala sa mga inaasahang performance ang nangyari. Mas maaga ring natapos ang concert kaysa sa inaasahan at tila naging cliff hanger ang last performance.
Overall naging maayos naman ang mga ganap, masaya ang concert, maayos ang naging ticketing at accommodating ang organizers sa request ng fans. Sana PULP na lang humawak ng lahat ng KPop concerts dito sa Pinas 😉