UMAKYAT na sa mahigit 400 ang bilang ng mga Pinoy na namatay sa dengue ngayong taon, ayon sa Department of Health.
Sa impormasyon mula DoH, pinakamaraming namatay noong Hulyo (100) na sinundan noong Hunyo (74) at Mayo (62).
Nasa 35 ang nasawi sa mosquito-borne noong Enero, 31 noong Pebrero, 37 noong Marso, 47 noong Abril, at 14 ngayong buwan.
Pinakamarami namang naiulat na kaso ng dengue sa Central Luzon (3,457), Metro Manila (3,131), at the Cordillera Administrative Region (2,106).
Mula Enero, nakapagtala na ng 118,785 kaso ng dengue sa bansa, mas mataas sa 48,867 kaso sa kaparehong panahon noong isang taon.