PINAALALAHANAN ng isang health expert ang publiko na umiwas sa mga home remedies, na kadalasan ay marumi, bilang gamot sa mga sakit na dulot ng mainit na panahon.
Isa sa mga pangunahing sakit tuwing tag-init, ani family medicine specialist Dr. Ferdinand de Guzman, ay conjunctivitis, na mas kilala bilang sore eyes.
Ulat ni de Guzman, marami pa rin pa ring mga Pinoy ang naniniwala na mabisang eye drops kontra sore eyes ang ihi at gatas ng ina.
“There is this belief pala that the urine would help sterilize something. Actually, dumi na ‘yan sa katawan ng tao na lumalabas. Mas marami ang (gumagamit ng) gatas ng ina. I will not advise it. Alam naman natin mabuti ang mother’s milk pero it’s not good for conjunctivitis,” paliwanag niya.
“Kaya ‘pag may sore eyes, I would advise to consult the center kasi ‘yung iba hindi na kaya ng ordinary eye drops,” dagdag niya.
Mabisa naman ang cool compress at calamine lotion sa bungang-araw o heat rashes.