PATULOY na binabalaan ng Department of Health ang publiko laban sa paggamit ng glutathione drip o injectable glutathione para mapaputi ang balat.
Ginawa ng DOH ang pagpapaalala matapos mag-trending ang banat sa misis ni Senador Robin Padilla na si Mariel Rodriguez habang nagsasagawa ng gluta drip sa loob ng tanggapan ng mister noong isang linggo na kinalaunan ay itinanggi na Vitamin C kasabay ang paghingi ng sorry.
Sa kabila nito, nagpaalala rin ang DOH na hindi rin maganda ang injectible na Vitamin C dahil posibleng magdulot ito ng kidney stones.
Paliwanag ng ahensiya, ang injectable glutathione ay aprubado lamang ng Food and Drug Administration (FDA) bilang adjunct treatment sa cisplatin chemotherapy at hindi para sa skin lightening.
Ang injectable glutathione na minsan ay sinasabayan din ng intravenous Vitamin C upang umano’y maging mas epektibo sa pagpapaputi, ay hindi rin nila inirerekomenda dahil sa posible mamuo ito sa kidney kung ang ihi ay acidic.