IPINA-TATTOO ng isang estudyante sa Italy ang barcode ng Covid-19 certificate niya sa kanyang braso.
It’s certainly something original, I like to be different,” ani Andrea Colonnetta, na nabigyan na ng dalawang dose ng bakuna.
Ang tattoo artist na si Gabriele Pellerone ang nagburda sa kanya.
Ang QR code ay pruweba ng coronavirus status sa Italy–kung bakunado na, kung gumaling sa virus o kung negatibo sa loob ng 48 oras.
Kung meron ka nito, maaari kang manood ng sine, pumunta sa mga museum at sports arena, at kumain nang dine-in sa mga restaurant. –A. Mae Rodriguez