Lyca muntik nang mahampas si Karen Davila

INAMIN ni Lyca Gairanod na muntik na niyang masaktan ang broadcaster na si Karen Davila sa viral video nilang dalawa.
Ani Lyca, nananakit siya kapag nagugulat, pero mabuti na lamang at napigilan niya ito kay Karen.


“Sabi ko, ‘Si Miss Karen to, Miss Karen to.’ Kasi pag nagugulat ako, nananakit ako. Kaya mahirap ako gulatin. Pero naisip ko ay wag, Miss Karen kausap ko. ‘My hand, ‘wag gagawa ng masama,” ayon The Voice Kids winner sa panayam kay DJ Jhai Ho.


Pero biniro rin aniya si Karen na ito lamang ang may maayos na pagkagulat dahil parang nanalo sa beauty pageant kumpara sa natural na pagkakagulat niya.


“Ikaw lang maganda ang reaksyon, ako ang pangit ng pagkagulat ko. Wala man lang ganda-ganda,” sinabi pa ni Lyca.


Binunyag din niya na tinawagan na siya ng broadcaster tungkol sa magiging plano sa kanilang kaarawan sa Nobyembre 21. –A. Mae Rodriguez