BINIGYAN ng pagkilala ang isang konduktor na dahil sa abilidad ay napatahan ang umiiyak na sanggol sa loob ng bus.
“Your outstanding efforts have made the difference between being good ang being great. You inspire everyone to follow your deeds. Keep up the good work,” ayon sa award na iginawad kay Roland Atendan.
Ayon sa ulat, habang bumibiyahe ang Ceres Bus ay sige ang iyak ng isang baby kaya naabala ang ibang mga pasahero.
Kahit ano umanong gawing paghele ng ina sa baby ay hindi ito tumigil.
Kinalaunan ay nilapitan ni Atendan ang mag-ina at humingi ng kumot, itinali ang apat na laylayan sa hawakan ng bus saka gumawa ng duyan.
Inilagay ang baby sa duyan at tumigil ito ng iyak.
Nagpasalamat naman ang mga pasahero sa konduktor dahil sa galing nitong dumiskarte.