P3M alahas pinakyaw ni Whamos

UMABOT sa tumataginting na P3 milyon ang alahas na pinamili ng magkasintahang content creatirs na sina Whamos Cruz at Antonette Gail kamakailan.

Ibinahagi nina Whamos at Antonette sa Facebook ang video ng pagpunta nila sa tindahan ng alahas para kunin ang mga inorder nilang mga kuwintas, bracelet at singsing.

Kabilang sa mga binili ni Whamos ang gold chain na nagkakahalaga ng P1.3 million, diamond-studded white gold bracelet na P500,000, isa pang bracelet na P200,500, diamond neckalace na P431,000, bangle na P285,000 at pares ng hikaw na P265,000.

Humirit naman si Whamos na ibigay na lang sa kanila ng P3 milyon ang lahat ng mga alahas.

Nang bayaran na ay sinabi niya na P2 milyon lang ang dala-dala nilang pera. Pumayag naman ang may-ari na ibabalik niya ang kulang na P1 milyon.

Klinaro ni Whamos na hindi flex ang kanyang ginawa. Aniya, binili nila ang mga alahas dahil isa itong magandang investment.

“Hindi po ito pagmamayabang. Ito po ay inspirasyon sa mga gustong mag-invest,” paliwanag niya.

Ayon pa sa kanya, pinag-ipunan nila ang pambili mula sa iba pa niyang mga negosyo. Balak din nilang ibenta ang mga ito sa darating na panahon.