INIHAYAG ni presumptive president Bongbong Marcos na nakatakda niyang italaga si presumptive vice president Sara Duterte bilang susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd).
“I think I am already authorized to announce the first nominee that we will be giving to the Commission on Appointments when the time comes should I be proclaimed,” sabi ni Marcos sa kanyang Facebook Live.
Idinagdag ni Marcos na pumayag na si Duterte na tanggapin ang posisyon.
“So si Inday Sara, tinanong ko sa kanya kung kaya niya yung trabaho dahil mahirap ang trabaho ng Secretary of Education. Pero nag-agree naman siya at palagay ko, kasama na diyan, dahil she is a mother and she wants to make sure that her children are well-trained and well-educated,” ayon pa kay Marcos.