Sara Duterte muling iginiit na hindi tatakbo sa pagkapangulo

MULING iginiit ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi talaga ito tatakbo sa pagkapangulo.

Sa kanyang post sa Facebook, iginiit niya na nais muna niyang tapusing ang kanyang termino sa pagkamayor ng lungsod bago sumabak sa iba at mas mataas na posisyon.

“Masakit din para sa aking damdamin na sana’y magpaubaya sa mga kaibigan na hindi ko maibigay ang gusto ninyo. Gusto ko po sana tapusin muna ang huli kong termino sa Mayor bago ako manungkulan sa ibang position,” ani Sara.

“Madami sa inyo ang nasasaktan, sumama ang loob at nawalan ng pag-asa pero puwede pa rin tayo magtulungan para sa ating bayan, di kailangan ng position, di kailangan ng tayo ay Pangulo upang makatulong. Gawin natin ang pagtulong sa kapwa sa araw-araw natin na pamumuhay.”

Kamakailan ay sinabi Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo ang anak bilang pangulo at ang ka-tandem nito ay si Senador Bong Go.