Ping sa kanyang youthful glow: Hindi botox ‘yan!

SA edad na 73 ay napanatili ni presidential aspirant Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang youthful glow at healthy white complexion.

Ang kanyang secret: madalas na paghihilamos.

Sa Facebook ay ibinahagi niya ang kanyang beauty regimen.

“Sa mga nagtatanong ng aking skin care routine: Frequent facial wash and cleansing lang.

“No secret creams, no facial treatment and definitely no botox,” ayon sa kandidato ng Partido Reporma.

Bago ang kampanya, sinabi ni Lacson na “physically fit” siya “to handle the demands of the presidency” sakaling maluklok siya sa Malacanang.

“I can handle it because the physical portion of my last wellness test showed that my body age is 51 years old…Age doesn’t matter if it doesn’t show and if you do not feel it,” aniya.

Idinagdag din niya na wala rin siyang bisyo.