INENDORSO ni Northern Samar Governor Edwin Ongchuan ang kandidatura ni Vice Presidente Leni Robredo sa pagkapangulo.
Ginawa ni Oncgchuan ang endorsement isang araw matapos ianunsyo ni Eastern Samar Governor Ben Evardone ang kanyang suporta kay Robredo.
Sa isang kalatas, sinang-ayunan ni Ongchuan ang pahayag ni Pangulong Duterte na ang susunod na pangulo ay dapat “compassionate, decisive and a good judge of people’s character”.
Dagdag pa ni Ongchuan, ang kanyang desisyon ay base na rin sa desisyon ng mga lokal na lider matapos ang isinagawa nilang assessment sa character at track record ng lahat ng mga kandidato sa pagkapangulo.
“With her kind of leadership, we believe that VP Leni will be beside us in our efforts for sustained progress,” pahayag ng gobernador.