NAPATALSIK sa kanyang ikatlong pwesto si presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno sa voter preference survey na ginawa ng Pulse Asia.
Sa survey na ginawa noong Abril 16 hanggang 19, nakakuha si Moreno ng apat na porisyento kalahati ng puntos na nakuha niya sa Pulse Asia survey noong Marso.
Bumaba ang rating ni Moreno at naungusan ni Senador Manny Pacquiao, na nakakuha naman ng pitong porsyento, matapos ang kontrobersyal na “withdraw, Leni” call niya noong Abril 10 sa isinagawang Easter Sunday press conference na kasama ang ilan kapwa niya presidential candidates.
Samantala, patuloy na nangunguna si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na napanatili ang 56 percent rating noong Marso.
Nasa ikalawang pwesto naman si Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 23 porsiyento, isang punto na mas mababa sa nakuha niya noong Marso.
Nanatili naman si Senador Panfilo Laccson sa ikalimang pwesto na may dalawang porsyento.