SINELYUHAN ng apat na malalaking grupo ang tambalan nina dating Senador Bongbong Marcos Jr., at Davao City Mayor Sara Duterte.
Nagsama-sama sa isang grand coalition ang grupo ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at ni Sara na Hugpong ng Pagbabago (HNP). Kasama rin dito ang Lakas-CMD ni dating Pangulong Gloria Arroyo at Partido ng Masang Pilipino (PMP) ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Pinirmahan nila ang “UniTeam alliance agreement” na sinasabing “grand coalition of national and regional parties” na titiyak sa panalo nina Marcos at Duterte sa 2022 elections.
“The UniTeam Alliance, we pray, is just the beginning. We dream of a grand coalition of national and regional parties with local alliances that share our vision of a better future for this generation and the next,” pahayag ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, na pangulo rin ng Lakas-CMD.