Pinas may bagong 1,016,900 doses ng Pfizer

DUMATING kagabi ang 1,017,900 doses ng Pfizer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Pasado alas-10 nang lumapag ang Air Hong Kong sa NAIA.

Sinalubong ni National Task Force (NTF) against COVID-19 head of strategic communications on current operations Assistant Secretary Wilben Mayor ang mga bakuna na bahagi ng binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng Asian Development Bank (ADB).

Bago nito, dumating ang 3,191,040 doses ng AstraZeneca na bahagi ng donasyon ng United Kingdom sa pamamagitan ng COVAX facility.