Gimik o totoo: Belmonte walang helmet, pinagmulta

PINAGMULTA ng P500 si Quezon City Mayor Joy Belmonte dahil sa pagba-bike nang walang suot na helmet.

Paliwanag ni Belmonte galing siya Cycle to End Violence Against Women bike event nitong Huwebes kasama si Cherie Atilano ng UN Food System Champions nang sila ay parahin ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety ng lungsod dahil wala silang suot na helmet,

Ayon kay Belmonte, dumating siya sa lugar na nakahelmet ngunit ibinigay niya ito sa isang participant ng event na hindi naka-helmet.

Dagdag pa ni Belmonte na alam niya ang batas at alam niyang “huhulihin” siya at pagmumultahin dahil sa paglabag sa City Ordinance 2942-2021.