SASABAK na rin sa pagkasenador ang karereritiro pa lamang na si dating PNP Chief General Guillermo Eleazar sa ilalim ng tiket nina Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson at running mate Senate President Vicente Sotto III.
“Yes, I confirm that he will run under Partido Reporma to substitute for Paolo Capino who has announced his intention to withdraw from the senatorial race yesterday,” pahayag ni Lacson.
Pormal na nagretiro sa pagiging pulis si Eleazar noong nakaraang Sabado matapos umabot sa edad na 56. Pinalitan siya ni.Lt. Gen. Dionardo Carlos bilang hepe ng Pambansang Pulisya.