Britney Spears ‘malaya’ na

LOS ANGELES – Malaya na ang pop star na si Britney Spears mula sa conservatorship ng kanyang ama matapos desisyunan ng Los Angeles judge na tapusin na ito matapos ang 13 taon.

“Effective today, the conservatorship of the person and the estate of Britney Jean Spears is hereby terminated,” hatol ni Judge Brenda Penny sa isinagawang pagdinig.

Una nang hiniling ng 39-anyos na “Piece of Me” singer na i-terminate ang legal arrangement na kumontrol sa buhay niya at sa kanyang $60 million estate simula noong 2008.

Hindi naman dumalo si Spears sa pagdinig nitong Biyernes.

Nagdiwang ang mga fans ng singer na nakaabang sa labas ng korte matapos ibaba ang desisyon pabor sa kanilang idolo.