GINULAT ni Pangulong Duterte ang publiko nang inanunsyo nito Sabado ng hapon na hindi na siya tatakbong vice president sa darating na halalan at tuluyan nang magreretiro na sa pulitika.
Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy bilang kanyang kapalit na pambato sa pangalawang pangulo ang kanyang dating Special Assistant at ngayon ay Senador na si Bong Go.
Ayon sa 76-anyos na pangulo, dinidinig lamang umano niya ang sentimyento ng maraming Pilipino na huwag na siyang lumahok sa halalan.
“The overwhelming sentiment of the Filipino is that I am not qualified and it would be a violation of the Constitution,” ani Duterte.
“In obedience to the will of the people — who, after all — placed me in the presidency many years ago, I now say to my countrymen, I will heed your call. Today, I announce my retirement from politics,” dagdag pa ni Duterte.