Bong Go naghain ng COC bilang vice president

NABIGLA ang marami nang maghain ng kanyang Certificate of Candidacy si Senador Bong Go bilang vice president Sabado ng hapon.

Kasabay nito ay ang pag-anunsyo ni Pangulong Duterte na hindi na siya tatakbo sa darating na halalan at magreretiro na nang tuluyang sa pulitika.

Dumating si Go kasama si Duterte pasado alas-3 ng hapon sa Harbor Garden Tent ng Sofitel hotel sa Pasay City para maghain ng kanyang COC.

Una nang inendorso ng PDP-Laban si Go bilang pambato nito sa pagkapangulo habang si Duterte naman ang bise presidente.

Sa kanyang pahayag matapos ang filing, sinabi ni Go: ” I will be a working vice president na gagawin ang lahat ng aking makakaya, hindi ako magiging spare tire lamang. I want to be remembered as a public servant na nagsisilbi ng tau-puso sa taongbayan.”