NANAWAGAN si Pangulong Duterte sa Commission on Elections (Comelec) na payagang makapangampanya ang mga kandidato sa 2022 elections.
“I’d like to remind the COMELEC that you must give the candidates really the space and whatever modalities there,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Martes.
Idinagdag ni Duterte na hindi matatawag na eleksyon ang isang halalan kung walang kampanya.
“Because there can never be an election without a campaign and other people cannot also afford — some candidates cannot afford the expense of the TV exposure,” ayon pa kay Duterte.