Vico: Pwede kiss after ng pandemic

PAYAG magpahalik sa kanyang mga constituents si Pasig City Mayor Vico Sotto pero kapag natapos na ang pandemya.

Sa ngayon anya ay bawal muna ang halik.

“Pasensya na po, bawal pa ang kiss. Ipagdasal po natin na matapos na ang pandemiya na ito,” ayon kay Sotto matapos udyukan ng mga constituents niya na magpa-kiss sa isang event na dinaluhan nito.

“Ako hindi ako mahilig mangako. Kahit balikan niyo po yung sinasabi ko noong kampaniya noong 2019, kahit 2016 hindi ninyo ako maririnig na nangangako… pero pangako ko po sa inyo, pagkatapos ng pandemiya, kahit mag-kiss po tayo puwedeng-puwede,” dagdag pa ng mayor.

Tumatakbo si Sotto bilang re-electionist sa 2022 elections.