Duterte pabor sa ‘no vax, no work’

SUPORTADO ni Pangulong Duterte ang posisyon ng mga employer na hindi tanggapin sa trabaho ang mga nag-aaplay na hindi bakunado kontra COVID-19.

“Kung hindi ka bakunado, hindi ka tanggapin sa trabaho. I think that is legal,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Martes ng gabi.

Idinagdag ni Duterte na karapatan ng employer na protektahan nito ang iba pang mga manggagawa na mahawa laban sa COVID-19.

“And as a lawyer, sabihin ko mukhang tama ang ginawa ninyo. You are just protecting business and other people. So what’s the — what could be the legal argument against it?” dagdag pa ni Duterte.