Comelec nagbabala vs exit polls

BINALAAN ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko laban sa “unofficial” exit poll na ngayon ay kumakalat ngayon sa social media kasabay ng isinasagawang overseas absentee voting.

Sa isang Twitter post, binigyang-diin ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang sinasabing “exit poll” na kumakalat sa social media ay hindi opisyal na bilang ng mga boto ng 2022 elections.

Ang resulta ng exit polls ay iaanunyo lamang matapos ang botohan sa Mayo 9.

“Tandaan din na bibilangin lang ang mga boto ng Overseas Voting on May 9, [after] the close of polls,” tweet ni Jimenez.

“As a general rule, unless na ang [naglabas] ng exit poll ay isang kilala at reputable na survey firm, hindi ito reliable. Lalo na sa social media, madaling gumawa ng official looking forms or graphics na mukhang legit,” dagdag pa ng opisyal.