NANGUNA si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos at vice presidential hopeful Sara Duterte-Carpio sa pinakahuling resulta ng OCTA Research survey.
Nakakuha si Marcos ng 58% preference votes habang 25% lamang ang natanggap ni Vice President Leni Robredo.
Sumusunod sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na may walong porsyento; Sen. Manny Pacquiao, limang porsyento; Sen. Ping Lacson, dalawang porsyento; Faisal Mangondato, isang porsyento; at 0.2 naman sina Norberto Gonzales at Ka Leody de Guzman.
Nasa unang puwesto rin sa survey ang katiket ni Marcos na si Inday Sara na nakakuha ng 56% ng voters preference.
Sinundan siya niya nina Senate President Vicente Sotto III na may 22%; Kiko Pangilinan, 16%; Doc Willie Ong, apat na porsyento; at Lito Atienza na may isang porsyento.
Isinagawa ang face-to-face survey noong Abril 22- 25 na mayroong 2,400 respondents at margin of error +/-2%