GAYA ng amang si Pangulong Duterte, suportado rin ni Davao City mayoral candidate at incumbent Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte si dating Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito sa pagbabalik nito sa Senado.
Sa kanyang campaign rally, umapela si Baste sa mga constituents na iboto si Ejercito.
“We have a visitor. This is JV Ejercito. Some time ago, we were together in HNP. We were really working together,” aniya sa Bisaya.
Para sa botanteng hindi pa desidido sa mga ibobotong senador, sinabi ni Baste na, “si JV Ejercito ang piliin n’yo.”
Sa kalatas, nagpasalamat naman si Ejercito sa suporta ng presidential son.”Daghang salamat, Vice Mayor Baste Duterte, for your show of support. Nakakataba po ng puso, malaking tulong po ito para sa ating kampanya na ibalik ang good sa Senado,” aniya.
Kamakailan ay inendorso ni Pangulong Duterte si Ejercito, na kabilang sa 2019 senatorial slate na ikinadidato ng Hugpong ng Pagbabago, ang regional political party na inorganisa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
“JV Ejercito has always been a friend and a partner of this administration in pushing for advocacies that advance our development agenda, especially for the poor,” sabi ng Pangulo.