NATATAWANG nakikiusap si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang mga constituents na nabakunahan na kontra Covid na kung maaari ay tigilan na ang pagsesend ng butt pictures matapos maineksyunan.
Ayon kay Vico, ang iba ay nagpabakuna sa pwet dahil kapag may tattoo ay hindi pwedeng bakunahan sa portion kung saan ang indibidwal ay may tattoo.
“Minsan kasi kapag may tattoo, bawal magpaturok sa braso. Hindi pwede sa tattoo side magpa-injection, so minsan may nagpapadala sakin, nakadalawa na ‘ata, picture nila na nabakunahan sa pwet,” pahayag ni Vico.
Aniya, okay lang mabakunahan sa pwet dalhin normal ito pero hiling niya ay ‘wag na i-send sa kanya.
“Okay lang naman mabakunahan sa pwet. Normal ‘yan, medical naman ang usapan e pero pakiusap ‘wag ninyo na po i-send sa akin. Ang dami ko na pong iniisip ‘wag ninyo na po idagdag pwet ninyo sa iniisip ko,” dagdag ni Vico.
Ibinahagi rin niya na maganda ang sistema ng pagbabakuna sa Pasig dahil sumusunod ang publiko sa kanilang schedule.