Simba, lamay pwede na sa MECQ

MAAARI nang magsagawa ng mga religious gathering sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na ipinatutupad ngayon sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.


Sa briefing, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na maaaring umabot sa hanggang 30 percent ang capacity ng mga simbahan kung aayon ang mga lokal na pamahalaan.


Dagdag niya, pinapayagan na rin ang mga lamay at libing, bagaman limitado lamang ito sa mga miyembro ng pamilya.