Roque umalma; wala raw VIP treatment sa kanya

UMALMA si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos tanungin kung paano siya nakakuha agad ng pagamutan gayun na apaw na sa mga pasyente ng coronavirus ang halos lahat ng ospital sa Metro Manila at karatig probinsiya.

“With all due respect, I think that is an un-Christian question,” sabi ni Roque.

Nauna nang kinuwestiyon ng mga netizen kung paano na-admit si Roque sa Philippine General Hospital (PGH) gayung nasa maximum capacity na ang ospital.

“Ang aking assurance lang, sa administrasyon ni Pangulong Duterte, lahat ng merong pangangailangang medikal ay mabibigyan ng tulong,” dagdag ni Roque.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na tinamaan si Roque ng Covid-19.