Vaccination cards gawing legit’


NAIS ng Department of Health (DoH) na maging katanggap-tanggap para sa interzonal travel ang vaccination card ng mga bakunadong indibidwal.


Kaya naman nakiusap ang kagawaran sa mga local government units na pagandahin at ayusin ang itsura ng kanilang mga vaccination IDs.


Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan na mukhang “legitimate” ang mga vaccination cards.
“We hope and we have given advice na because of this protocol, kailangan mag-improve ang ating mga local governments that they will be able to issue a vaccination card which is more legitimate at mas magagamit ng ating mga kababayan when they do their interzonal travel,” ani Vergeire.


“Hopefully itong lahat ng kailangang gawin na detalye ng proseso sa operations, maiiayos natin para mas maganda ang pagpapatupad natin dito,” dagdag pa niya. –A. Mae Rodriguez