Itinulak ng BFF, kelot nalunod sa hot spring

NALUNOD ang isang lalaki na itinulak umano ng kanyang kaibigan sa hot spring sa Mariveles, Bataan kamakailan.


Iniimbestigahan pa ng otoridad ang pangyayari at inaalam kung nakainom ang magkaibigan.


Makikita sa CCTV na naghaharutan ang dalawa Linggo ng hapon sa hot spring sa Brgy. Balon Anito hanggang itulak ng suspek ang biktimang si Kevin Reyes, 25, sa tubig.


Makaraan ang ilang minuto ay lumutang pa umano si Reyes at minura ang kaibigan bago muling lumubog.


Nang hindi na muling lumutang ang biktima ay tumalon na sa tubig ang kanyang ibang mga kaibigan pero hindi na nila ito mahagilap.


Natagpuan ang katawan ng biktima makalipas ang dalawang oras.


Hindi sinabi sa ulat kung kinasuhan na ang suspek.