Patay na sundalo sa C-130 crash pumalo na sa 47

NADAGDAGAN pa ang bilang ng nasawing sundalo sa pagbagsak ng C-130 Hercules transport plane ng Philippine Air Force sa Patikul, Sulu.


Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, dalawa sa mga malubhang nasugatan sa insidente ay namatay habang ginagamot.


Dahil dito ay umakyat na sa 49 ang mga nasawing sundalo sa “worst military air disaster in the Philippines in the last 30 years.”


Nasawi rin ang tatlong sibilyan sa pagbagsak ng eroplano sa Brgy. Bangkal.
Kaugnay nito, natagpuan na ang black box ng nag-crash na eroplano.


Alas-11 ng umaga nitong Lunes nang makita ang black box kaya umaasa si Sobejana na malalaman na ang sanhi ng insidente.