PAPAYAGAN na ang mga mag-aaral sa kolehiyo na hindi bakunado laban sa coronavirus disease na makadalo sa face-to-face classes, ayon kay Commission on Higher Education (CHEd) Chairman Prospero De Vera.
“Students and HEI (higher education institutions) personnel, regardless of vaccination status can now participate in face-to-face classes,” sabi ni De Vera.
Sa datos, umabot na sa 3,145,883 sa 4,092,228 mag-aaral ang nakatanggap ng partial at full dose na bakuna, o 946,345 o kabuuang 23 porsiyento ang hindi pa bakunado.
Samantala, aabot naman sa 260,661 o 90 porsiyento ng kabuuang 289,578 HEI personnel ang mga bakunado kumpara sa 10 porsiyento o 28,917 na hindi bakunado.
“We are changing it because vaccination levels are already high in diffirent higher education institutions,” ayon pa kay De Vera.