NAGPALABAS ng travel ban ang gobyerno laban sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka bunsod ng patuloy na banta ng coronavirus disease sa mga naturang bansa.
Sa isang memorandum, inatasan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Inter-Agency Task Force na tiyakin na maipatutupad ang ban laban sa mga nasabing bansa epektibo mula Mayo 7 hanggang 14, 2021.
Nauna nang ipinag-utos ang travel restriction laban sa India sa harap ng napaulat na double mutant variant sa naturang bansa.