Mayweather: Si Pacman ang pinakamahigpit kong nakalaban

SA dami nang nakasalpukan sa ring ng boxing legend na si Floyd Mayweather, pinakamahusay para sa kanya si Manny Pacquiao.

“The best fighter I ever fought probably was Manny Pacquiao. It’s because of his movement. He’s a hell of a fighter and I can see why he won so many fights and I can see why he’s going down as a hall of famer. It’s just certain moves that he makes,” ani Mayweather sa isang podcast kamakailan.

Noong 2015 ay nagbanggaan sa ring sina Mayweather at Pacquiao na sinasabing isa sa pinaka-exciting na boxing match sa kasaysayan.

Natalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision.

Bago magretiro, pinatumba muna ni Mayweather si Conor McGregor noong 2017.