Taga-NCR Plus bawal pang mag-travel

HINDI pa rin pinapayagan ang leisure travel mula at papunta sa NCR Plus dahil sa umiiral na modified enhanced community quarantine.


“As of now, bawal pa ang travel from NCR Plus kasi MECQ pa tayo,” ani Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.


“Ang Baguio, Bohol, Siargao, Boracay at Cebu ay tumatanggap pero hindi lang galing sa NCR Plus kasi dito mataas ang cases,” ani Puyat.


Matatandaang pinalawig ni Pangulong Duterte hanggang Mayo 14 ang MECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal dahil nananatiling mataas ang bilang ng may Covid-19 sa nasabing mga lugar.


“Hirap talaga ang restart ng tourism ngayon. Kaya napakaimportante na may dumating na suplay ng vaccines,” dagdag ni Puyat.