Salon, indoor dining papayagan na?

INIREREKOMENDA ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pabubukas ng mga salon at indoor dining services sa kabila ng pagpapalawig sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus.


Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kung papayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang partial na pagbubukas ng mga salon, aabot sa 400,000 workers ang makakabalik sa trabaho.


Samantala, higit sa 100,000 workers naman kung babalik ang dine-in services.


“Ang recommendation kasi is to ease up a little bit, ‘yung magdagdag tayo ng mga negosyo, lalo na iyong mga labor intensive talaga na puwede namang sundin ‘yung mandatory health protocols natin,” ani Castelo.


Magpupulong ang IATF sa Huwebes upang pag-usapan ang nasabing rekomendasyon.