E-sabong bubuwisan

NANINIWALA si Albay Rep. Joey Salceda na kikita nang malaki ang pamahalaan kung bubuwisan ang mga online games, kabilang ang E-sabong.


Ani Salceda, tumaas ang kita ng digital gaming sector sa panahon ng quarantine dahil karamihan ng mga naglalaro ay nasa loob lang ng bahay.


“When the quarantines would force people to stay home, their revenues shoot up. That is the main reason why I decided to propose fair taxes on them,” aniya.


Idinagdag ni Salceda na nakikipag-usap na siya sa Department of Finance ukol sa plano.


“The Secretary of Finance and I are working very closely on finding new revenues from gaming, because while some games are suffering, many others are gaining strength. The DOF and my committee are more or less in agreement about e-sabong taxes, and I expect the Senate to pass its own version soon,” aniya pa.