AABOT sa P2.372 bilyon ang alokasyon ang tatanggapin ng Quezon City mula sa kabuuang P10.994 bilyong inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) para sa ayuda sa National Capital Region habang nasa ilalim ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ).
Base sa Local Budget Circular 138, tatanggap ang Maynila ng P1.488 bilyon, samantalang P1.342 bilyon ang Caloocan City.
Ang Taguig ay tatanggap naman ng P723.971 milyon; Pasig P650.886 milyon; Valenzuela City, P589.309 milyon; Parañaque, P556.15 milyon; Makati, P511.984 milyon; Las Piñas, P488.015 milyon; Muntinlupa, P441.609 milyon; Marikina, P365.749 milyon; Pasay, P356.727 milyon; Mandaluyong, P347.652 milyon; Malabon, P307.004 milyon; Navotas, P197.713 milyon; San Juan, P101.794 milyon); at Pateros P52.419 million.