Carlo Paalam hindi pinalad sa ginto

BIGONG maiuwi ng Pinoy boxer na si Carlo Paalam ang Olympic gold matapos siyang talunin ng boksingerong Briton na si Galal Yafai sa men’s flyweight final ngayong Sabado.

Tinanhal na kampeonato si Yafai via split decision.

Sa unang round, napabagsak ng Briton ang pambato ng Pilipinas. Lamang din ito sa ikalawang round.

Nakabawi man si Paalam sa ikatlong round, hindi sapat ang iskor para maungusan si Yafai.

Iuuwi ni Paalam ang ikalawang silver para sa Pilipinas bukod sa isang ginto at isang bronze — ang pinaka maraming medalya na nakuha ang bansa simula nang sumali ito sa Olympics noong 1924.