DAPAT nang pag-isipang mabuti ng gobyerno ang polisya nito na nag-oobliga sa publiko na magsuot ng face shield kung lalabas ng kanilang bahay dahil wala naman pag-aaral na nagsasabi na makatutulong ito para mabawasan ang kaso ng COVID-19.
“What do all countries that have controlled COVID have in common? They never required face shields,” ayon sa pahayag ng isang medical anthropologist na si Dr. Gideon Lasco.
“It’s time to end the Philippines’ baseless, inconvenient, and environmentally harmful face shield mandate, especially in outdoor spaces where there’s zero evidence of its benefit,” dagdag pa ni Lasco sa kanyang social media post.
Matatandaan na ibinase ng pamahalaan ang pag-oobliga sa publiko ng pagsusuot ng face shield bilang dagdag proteksyon laban sa coronavirus disease sa isang pag-aaral sa India na nailathala sa medical journal na The Lancet.
Sa pag-aaral na ginawa noong Agosto 2020 na may titulong “SARS-CoV-2 Infection Among Community Health Workers in India Before and After Use of Face Shields”, sinasabi nito na “12 out of 62 community workers tested positive for the virus after they visited thousands of households in May 2020.
“Later, another 50 workers, this time wearing face shields, went to the communities but none of them was infected.”
Ngunit ayon sa isa pang doktor na si Benjamin Co, na espesyalista sa pediatric infectious diseases, ang ginawang pag-aaral ay isang “research letter, which is different from a well-controlled study.”
Tinukoy rin nina Lasco at Co na ibang uri naman ang face shield na ginagamit sa ospital dahil ang mga ito ay mga high-grade na talagang na bagay lamang sa hospital settings or in indoor and poorly ventilated areas.
Ibang-iba ito sa mga nabibili sa mga tindahan at maging sa mga kalye na walang malinaw na basehan kung nakatutulong nga sa paglaban sa COVID-19.