McDonalds ‘nagpatikim’ ng BTS Meal

INILABAS na ng McDonald’s Philippines ang teaser nito para sa pinakahihintay na BTS meal, nitong Miyerkules sa kanilang YouTube channel.

Tiyak na hindi lang kikiligin kundi magmamadaling magtungo sa mga McDonalds outlets ang mga ARMYs matapos mapanood ang 30-second teaser ng kanilang iniidolong world phenomenon K-pop group na BTS.

Sa teaser, pinasisilip ng mga BTS member na sina RM, Jungkook, V, Suga, Jhope, Jimin, at Jin ang kanilang BTS Meal menu.

At kabilang na dito ang 10-piece of Chicken McNuggets, medium fries, medium Coca-cola, at dalawang dipping sauce na Sweet Chili and Cajun.

Magiging available ang BTS Meal simula sa June 18.