TULOY ang pasada ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila kapag ipinairal na ang enhanced community quarantine mula Agosto 6 hanggang 20, ayon sa Department of the Interior and Local Government.
Pagdedesisyunan pa, ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kung babawasan ang mga bumibiyaheng sasakyan.
“The current public transportation will be maintained,” aniya.
“Wala pa pong abiso samin ang Department of Transportation kung magbabawas but we understand the need to keep public transportation,” dagdag ng opisyal.
Maliban sa mga essential workers, papayagan ding makalabas ng bahay ang mga magpapabakuna kontra Covid-19.
“Kailangan pong makapunta ang tao sa bakunahan that is why we’re maintaining the level of public transportation right now,” ayon pa sa opisyal.