Konti na lang: Carlos Yulo kinulang sa pag-abot ng medalya

MARAMI ang nanghinayang sa performance na ipinamalas ni Carlos Yulo nang sumabak ito sa men’s artistic gymnastics vault finals Lunes ng hapon.

Kinapos si Yulo para makapasok sa ikatlong pwesto matapos umiskor ng 14.716. Sinundan niya ang bronze medalist na Armenian na si Arthur Davtyan (14.733).

Ang South Korean na si Shin Jaehwan ang nakaginto na nakapagtala ng 14.7483 identical average score gaya ng nakuha ni Dennis Abliazin ng Russian Olympic Committee. Si Jaehwan ang tinanghal na gold medalist dahil sa mas mataas ang difficulty score na nakuha nito kaysa kay Abliazin.