SINABI ng World Health Organization na target nitong tapusin na ang deklarasyon ng public health emergency laban sa coronavirus disease (COVID-19) at Mpox (dating Monkeypox) sa 2023.
“We are hopeful that at some point next year, we will be able to say that COVID-19 is no longer a global health emergency,” sabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Idinagdag ni Ghebreyesus na nakatakdang magpulong ang emergency committee ng WHO sa Enero para talakayin kung ano ang magiging scenario para masabing maaari nang tapusin ang emergency phase ng COVID-19.
Idinagdag ni Ghebreyesus na umabot naman sa 82,000 kaso ang naitala sa 110 bansa dahil sa Mpox, bagamat 65 lamang ang nasawi.
“If the current trend continues, we’re hopeful that next year we’ll also be able to declare an end to this emergency,” aniya.