MANANATILI sa Alert Level 2 ang lahat ng rehiyon at mga syudad sa bansa mula Enero 1 hanggang 15 sa kabila nang muling pagtaas ng kaso ng coronavirus disease at banta ng Omicron variant.
“The IATF on Wednesday, 29 December, approved the recommendation to maintain all provinces, highly urbanized cities, and independent component cities under alert level 2 from 1 to 15 January,” ayon kay acting Spokesman Karlo Nograles sa isang press statement.
Simula noong Nobyembre, maraming bahagi ng bansa ang isinailalim sa Alert Level 2 dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19. Sa ilalim ng nasabing level status, bukas at pinapayagan ang mga restaurants, barbershops, hair spas, hair salons, fitness studios, tourist attractions, at cinema na makapag-operate.
Samantala, nagdagdag pa ang IATF ng ilang bansa na isinama sa “red list” hanggang Enero 15. Ang mga ito ay ang Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique, Namibia, at Spain.
Hindi maaaring makapasok sa bansa ang mga foreign travelers mula sa mga nasabing bansa o nasa red list.