Moms’ pact: nanay nina Dominic at Bea may kasunduan?

PATULOY pa rin ang haka-haka ng netizens kung ano ang napagkasunduan ng ina ni Bea Alonzo na si Mary Anne at ina ng boyfriend ni Dominic Roque na si Lena.

Sa isang Instagram post ni Lena, pinakita niya ang picture na nagpinky promise sila ni Mary Anne.

“@madame_m_1117 Sumpaan at Kasunduan,” caption ng ina ni Dominic.

Curious naman ang netizens kung kasalan na ba ang sinasabi ni Mommy Lena.

“Nakupo namanhikan na nga cguro salamat po mommy lena”

“Yeheyyy kasalan na po ba beadom?..salamat mommy lena”

“Ala ano b yon.ibig sabihin b ng sumpaan n yan e.namanhikan n kyo”

Magkasamang nagdiwang ng Pasko ang pamilya ni Bea at Dominic.