Gong Yoo posibleng bumida sa ‘The Devil’

NAGHAHANDA na nga ba ang The Goblin star na si Gong Yoo para pagbidahan ang upcoming series ng “The Devil”?

Ayon sa Soompi, nakatanggap na ng offer ang management ni Gong Yoo, na ngayon ay bida sa “The Silent Sea” na nasa top 10 list ng Netflix.

Makakatambal ni Gong Yoo sa nasabing SBS drama ang aktres na si Kim Tae-ri na bumida naman sa Space Sweepers at Mr. Sunshine.

“It’s true that he received an offer (to star in) The Devil. It’s one of the projects he’s reviewing,” ayon sa management ng aktor.

Ayon naman sa kampo ni Tae-ri, inaaral pa ng kanyang agency ang offer at “nothing has been decided yet.”

Ang “The Devil” ay isinulat n Kim Eun-hee na siya ring nasa likod ng “Kingdom” at “My Fair Lady”.