NAIS ni Pangulong Duterte na sa mga mahihirap mapunta ang mga donated na Pfizer-BioNTech Covid-19 vaccines.
Ito ang sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Harry Roque, kaugnay na rin umano sa pinaiiral na COVAX guidelines.
Matatandaan na dinagsa ng mga tao ang mga vaccination sites sa ilang lugar sa Metro Manila nang malaman na ang nakaabang na bakuna ay gawa sa Pfizer-BioNTech.
Inatasan din ng Pangulo ang mga otoridad na ibigay ang mga Pfizer vaccines sa mga barangay na may maliit na numero ng vaccination, at hindi dapat ilagay sa mga bakunahan na naroroon sa mga mall.
Kasabay nito pinaalalahanan ni Roque ang PUBLIKO na hindi dapat mamili ang mga ito nang kung anong brand ang dapat iturok sa kanila dahil pantay-pantay lang ang bisa ng mga ito para labanan ang coronavirus disease.